Yakapin at hawakan ang kapangyarihang taglay mo.
Paliyabin ang apoy na maaaring magbago sa mundo.
Ikaw ay matatag, matikas, at buo ang loob, na may kapangyarihang lumikha ng buhay.
Ipinaglaban at ipinaglalaban ang inyong mga karapatan tungo sa pantay na pagtingin, pagwasak sa mga hadlang na makalalaking tradisyon at paningin, at mapaghamong pamantayan.
Malayo na ang narating ngunit malayo pa ang tatahakin upang maging saksi sa bukas na pantay tayong lahat.
Tayo tayo, tayó tayo nang sama sama sumusuporta at humihikayat sa isa’t isa, itaas ang bandera at mga kamay sa tagumpay kung saan lahat tayo ay libre magsalita, sumayaw at gumawa nang walang bahid at walang kulang kung sino ikaw sa kanila sa atin at sila. Hamunin ang estereotipo ng kasarian at gawing pantay at patas sa lahat ng larangan ng buhay.
Babae ka, hindi babae lang. Higit ka sa pisikal na anyo at higit pa sa kasarian. May kapangyarihan kang hubugin ang mundo, lumikha ng mas magandang kinabukasan para sa iyo at sa mga susunod na henerasyon.
Kaya, sulong!
Magbigay ng inspirasyon sa pagbabago, na maging matatag at walang takot na mga kababaihan. Palakasin ang isa’t isa at magsikap tungo sa kinabukasan kung saan lahat ng kababaihan ay may parehong pagkakataon at karapatan.
Abante, babae!
Comments